HALO-HALO

MGA SANGKAP;

½ tasang mangga, hiniwa-hiwa
1 kutsarang melon, ginayat
1 kutsarang ube
1 kutsarang saging na lakatan o saba, hiniwa-hiwa
1 kutsarang makapuno
1 kutsaritang mais
1 kutsaritang pulang munggo
¼ tasang pinipig, tinusta
1 kutsara pakwan
kinudkod na yelo
1 kutsarita pulot (honey)
¼ tasang gatas na evaporada
¼ tasa sabaw ng buko
1 kutsaritang pili nuts, tinadtad

PARAAN;

Pagpatun-patungin ang mga sangkap sa isang mataas na baso. Lagyan ng yelo. Idagdag ang pulot. Buhusan ng gatas at sabaw ng buko. Budburan ng pili nuts. Maaari din lagyan ng leche flan o sorbets sa ibabaw ng halo-halo upang maging lalong espesyal.