Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Siopao Recipe:

 
 

MGA SANGKAP;

1 kilong laman ng baboy, hiniwa ng maliliit
1/8 cup gin (pwedeng wala)
4 kutsarang toyo
5 butil ng bawang, dinikdik
2 kutsarang asin
1 kutsaritang paminta
½ tasang suka
2 kutsarang asukal

PARAAN;

PALAMAN;
Sa isang kawali, igisa ang bawang at karne.idagdag ang gin,toyo at paminta. Takpan at hayaang kumulo. Kapag medyo malambot na ang karne, ilagay ang suka at asukal. Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Ilagay sa isang tabi.

HALUIN SA ISANG MANGKOK; (YEAST MIXTURE)

2/3 tasa maligamgam na tubig
1 kutsaritang yeast
2 ½ kutsaritang asukal
ilagay sa isang tabi hanggang sa bumula.
SA ISANG MALAKING MANGKOK, PAGHALUIN ANG MGA SUMUSUNOD;
Dalawang tasang arina
½ basong tubig at ang yeast mixture.

Haluin ng mabuti upang makabuo ng masa. Lamasin ng pagulong ang masa papalapit at papalayosa mesa. Gawin ito ng ilang minuto, hanggang sa ito'y kuminis. Takpan ang masa ng kitchen towel ng 30 minuto. Kumuha ng 2 pulgada ng binilog na masa at pipiin ito. Lagyan ng 1 kutsarang palaman sa gitna ng bawat bilog. Pabilog na isara ang gitna upang makabuo ng siopao. Maglagay ng maliit na kuwadradong papel sa ilalim ng siopao. Pasingawan ng 15 minuto. Maaaring gawing sarsa ng siopao ang hot sauce.

 

 
 

Copyright © 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact