Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Sinigang Na Karne Sa Sampalok Recipe:

 
 

Mga Sangkap:

½ kilong tadyang baka
½ kilong hiniwang baboy
½ sibuyas bumbay, ginayat
sampalok na hilaw
2 maliliit na gabi, pinag-apat
asin, kangkong, patis
3 kamatis, hiniwang maliliit
1 maliit na tali na sitaw
10 bataw

Paraan;

Pakuluan sa sabaw-sinaing ang karne ng baboy. Idagdag ang kamatis,sibuyas at asin. Lutuin sa ibang kaserola ang sampalok. Kunin ang katas. Isama sa baboy at karne. Pakuluan uli. Dagdagan ng sabaw kung kailangan. Isunod ang gabi. Kung luto na ito, isama ang kangkong, sitaw at bataw. Timplahan ng patis. Isawsaw sa patis at kalamansi.

 

 
 

Copyright © 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact