Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Sinigang Na Hito Sa Kamatis Sampalok Puso Ng Saging O Saging Recipe:

 
 

Mga Sangkap:

1 malaking isdang hito
2 hilaw na saging o isang maliit na puso ng saging
2 kamatis
kaunting usbong ng sampalok, kaunting asin

Paraan;

Pagulungin sa kaunting abo ang hito upang maalis ang lansa at ang tibo. Alisin din ang hasang at gilit-gilitin ayon sa laking nais. Ang puso ng saging ay hiwain sa apat na bahagi o kung bunga naman ng hilaw na saging ay hiwaing pabilu-bilog. Isalang ang paglulutuan at unang pakuluan ang kamatis at usbong ng sampalok. Kapag kumulo na ay isunod na ihulog ang hiniwang puso ng saging at ang hito. Katasin ang kamatis at usbong na sampalok. Timplahan ng asin ang sabaw at muling pakuluan hanggang sa mahusto ang pagkakaluto ng hito.

 

 
 

Copyright © 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact