Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Sinangag Na Espesyal Recipe:

 
 

Mga Sangkap:

3 puswelong kanin
3 kutsarang langis na pamprito
¾ puswelong hiniwang sibuyas na mura
1 kutsaritang asin
1 kutsarang toyo
¼ kutsaritang dinikdik na paminta
1 ½ puswelong halabos na hipon, tinalupan at hiniwang pakudrado
1 itlog, binati

Paraan;

Initin ang langis sa kawali. Isunod ang kaning kinamas muna hanggang sa mamula. Haluing mabuti upang hindi magkaroon ng buo-buo. Idagdag ang sibuyas na mura, asin, paminta at hipon. Bayaang 1 minuto. Hukayin ang gitna ng niluluto at ibuhos dito ang binatina itlog. haluin hanggang sa dahan-dahang mamuo. Saka pa lamang ihalo sa kanin. Isunod ang toyo. Bayaang pang 1 minuto sa apoy.

 

 
 

Copyright © 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact