Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Sinangag Recipe:

 
 

Mga sangkap:

6 tasang kanin (mas mainam na gamitin ang bahaw o kaning lamig)
1 ulo ng bawang, pinitpit ng maigi
1/2 tasang scrambled egg, hiniwa ng maliit
mantika
1/2 tasang longganisa, hamon o bacon hiniwa ng maliit
1 latang green peas
mantika
asin

Paraan:

Sa 1 kawali, magpaiinit ng mantika. Igisa ang bawang hanggang pumula. Idagdag ang kanin. Timplahan ng asin ang sinangag ng naaayon sa panlasa. Kapag luto na ang kanin, idagdag ang scrambled egg at karne. Haluing mabuti upang hindi magdikit-dikit ang kanin.

 

 
 

Copyright © 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact