|
A -
B - C -
D - E -
F - G -
H - I -
J - K -
L - M -
N - O -
P - Q -
R - S -
T - U -
V - W -
X - Y - Z
|
Sibuyas
Ala Pranses Recipe: |
Mga Sangkap:
4 na malalaking sibuyas
4 na tasang gatas na evaporada
BATTER:
Mga Sangkap:
1 tasang arina
1 kutsaritang asin
1 tasang gatas na evaporada
3 buong itlog, batihing mabuti
2 kutsarang margarina, tunawin
cooking oil, pirituhin
Paraan;
Hiwain ang mga sibuyas sa 1/8 kapal. Paghiwa-hiwalayin ang mga bilog ng sibuyas.
Ibabad ito sa gatas loob ng dalawang oras. Ihanda ang batter. Salain ang
magkasamang arina at asin. Isama ang gatas, binating mga itlog at tinunaw na
mantikilya. Haluing mabuti. Patuluing mabuti ang mga onion rings. Ilubog ng
isa-isa batter. Iprito sa mainit na mantika. Patuluin o ilagay sa humihitit na
papel. Budburan ng asin. Ihaing mainit.
|