Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Sarciadong Isda Recipe:

 
 

Mga Sangkap:

1 malaking bangus
2 butil na bawang
¼ na tasang dinurog na biskotso
4 na malaking kamatis
1 sibuyas
asin, mantika

Paraan;

Alisan ng hasang at kaliskisanang bangus. Gilitin ayon sa nais na laki. Hiwaing maliliit ang sibuyas at kamatis. Pitpitin ang bawang. Isalang ang kawali at lagyan ng mantika. Papulahin ang bawang at sibuyas. Isunod na ihulog ang kamatis. Kapag lanta na ang kamatis ay isunod ang isda at ito ay sangkutsahin. Pagkatapos ay sabawan ng ayon sa nais at ihulog ang dinurog na biskotso. Pakuluin hanggang sa lumapot at maluto ang isda.

 

 
 

Copyright © 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact