Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Sabaw Ng Nilaga At Itlog Recipe:

 
 

Mga Sangkap:

2 pula ang itlog
2 maliit na tinapay
6 na dahong hierba Buena
6 na butil na bawang
4 na tasang sabaw ng nilagang karne
3 kutsarang betsin
4 na kutsarang langis

Paraan;

Painitin sa kawali ang langis saka igisa ang bawang. Hanguin sa kawali. Iprito naman sa kawali ang mga hiwa ng tinapay. Pakuluin ang sabaw ng nilaga. Ihalo ang bawang at hierba Buena. Pakuluin ng ilang minuto saka ihalo ang binating burok (pula) ng itlog. dahan-dahang isalin ang binating itlog ng hindi tumigil ang pagkulo ng nakasalang. Isama ang piniritong tinapay at ihain.

 

 
 

Copyright © 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact