Pinoy Recipe - Filipino Recipe Collection

A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z
Pinalusag Na Gabi Sa Bikol Recipe:

 
 

Mga Sangkap:

12 dahon ng gabi na ibinilad sa loob ng 12 oras
2 niyog na magulang na kinayod
3 daling luyang pinitpit
3 butil na bawang
katamtamang asin alinsunod sa panlasa ng kakain

Paraan;

Kukunin ang gata ng dalawang niyog at hahaluan ng isa at kalahating basong tubig. Ito'y magiging sabaw ng lulutuin. Sa isang palayok ay unang ilalagay ang mga tangkay ng gabing pinagputol-putol ng gadaliri, gayun din ang mga dahon ng putul-putol din, at sa sabaw ay isasama ang lahat ng mga kalahok pang iba. Tatakpan ng dahon ng saging ang palayok at lulutuin sa mahinang ningas ng apoy. Kapag ang sabaw ay nangalahati na at naglalangis-langis, ay maaari ng ihain. Halos ang lahat ng mga lutong bikolano, ang pinalusag halimbawa, ay maaaring lahukan ng sili.

 
 

Copyright 2006-2008. Pinoy Recipe. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact